Isang karinderyang nakapangalan sa isang Filipina.
Isang pambalot sa regalo na kung saan puro salitang Filipino ang nakasulat.
Tindahan ng bigas sa isang mall.
Masarap at tanyag na kainan.
Kainan kung saan ang pangunahing pagkain ay ang masarap na pancit ng Malabon.
1EMID
Ian Campos
Eduardo Fajardo
EJ Garcia
Jeric Teng
JC Tagayon
Miguel Abracosa
PAKSA:Paraan nang pagtitipid ng tomasinong basketbolista at regular na estudyanteng tomasino
PANUKALANG PAHAYAG: "Mas magaling humawak ng pera ang regular na estudyanteng tomasino kaysa sa tomasinong basketbolista"
Introduksyon:
Sa sitwasyon ngayon, pababa na ng pababa ang ekonomiya ng Pilipinas. Lumiliit na ang halaga ng piso kaya limitado na ang nabibili ng mga tao hindi katulad ng dati na mataas ang halaga ng piso. Dahil sa sitwasyon na ito, kasama sa mga apektado ay ang mga regular na estudyante at ang mga estudyanteng atleta. Maliit na ang baon na ibinibigay ng mga magulang at dahil dito, nasusubukan ang kakayahan ng mga estudyante kung paano humawak ng pera o kung paano nila iba-budget ang kanilang mga gastusin.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang mga mananaliksik ay nais masagot ang mga sumusunod:
1) Magkano ang allowance na binibigay ng mga magulang sa kanilang Tomasinong anak?
2) Mas malaki ba ang allowance ng mga atletang estudyante kaysa sa regular na estudyante?
3) Paano “namamanage” ng mga estudyante ang kanilang baon o allowance?
4) Mas magaling bang humawak ng pera ang mga regular na estudyante kaysa sa mga atletang estudyante?
Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito dahil nais nitong ipaalam sa mga regular na estudyante ang mga ibang paraan upang humawak ng pera.
REBYU NG PAG-AARAL
Batay sa libro ni Richard H. Cox na “Sports Psychology” fifth edition, maraming pagkakaiba ang estudyanteng atleta sa regular na estudyante o hindi atleta.
Ayon kay Shurr, Ashley and Joy (1997) pinapakita nila na ang atletang sumasali sa team o indibidwal na isport ay mas nagiging responsible sa sarili, mas malinaw ang pag-iisip at mas panatag ang kalooban.
Batay sa libro ni Richard H. Cox na sport psychology sixth edition ang mga estudyanteng atleta ay may mas kagustuhang gumastos upang bumili ng mga pagkain at bitamina upang mas maging malakas ang pangngangatawan sa sports. Ang mga estudyanteng atleta ay karaniwang nakakaranas ng matinding pagod at sakit ng katawan dahil sa kanilang puspusang pageensayo at sinasabayan pa ng pagaaral.Dahil dito ito ay nagtutulak sa kanila na bumili ng mga dietary supplements upang maibalik ang lakas ng kanilang pangangatawan.
Ayon naman sa libro ni Conrad C. Vogler at Stephen E. Schwarts na Sociology of Sports, ang mga estudyanteng atleta ay sensitibo sa kanilang imahe o kung paano sila tingnan ng mga tao sa loob at labas ng paaralan. Kaya gumagastos sila sa mga pananamit para mas muka silang kaayaaya sa paningin ng mga estudyante o tao na tinitingala sila bilang atleta o idolo .
LAYUNIN
Tiyak na layunin:
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mapatunayan na ang regular na estudyante ay mas marunong humawak ng pera kaysa sa isang atletang estudyante. Layunin din nito ang bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga estudyante sa kung paano sila maghahawak ng kanilang pera sa magandang paraan. Maaari din itong makatulong sa mga estudyante na maliit lamang ang baon na makaipon sa maliit ngunit epektibong paraan.
Pangkalahatang layunin:
Ang layunin din ng pananaliksik na ito ay ang ipakita sa mga tomasinong regular na estudyante na hindi lamang ang mga tomasinong basketbolista na mas responsable, malinaw ang pag-iisip at mas panatag ang kalooban ang puwedeng makatipid. Mayroon din kasing mga atletang estudyante ang nagkukulang o kaya nama’y walang natitira sa kanilang baon kahit na sila’y nabibigyan ng malaking baon at mayroon silang scholarship.
KAHALAGAHAN
Mahalagang malaman ang paraan ng pag gastos ng pera ng mga regular na estudyante at atletang estudyante upang masuri at mapagkumpara kung sino ang mas magaling magbudget ng pera: ang atletang estudyante ba o ang mga regular na estudyante lamang. Isa pang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang mga hilig ng mga estudyante dahil naka-ugnay na din dito kung saan napupunta ang kanilang mga pera, kaya naman makakatulong din ito sa mga magtatayo ng kani-kanilang negosyo sa labas ng unibersidad dahil nabibigyang linaw ng pag-aaral na ito ang mga hilig ng mga estudyante sa UST.
METODOLOHIYA
Gumamit ang mga mananaliksik ng iba’t ibang mga libro na may kinalaman sa “Financial Management” na makakatulong mapatunayan nila ang mga ginagawang pag-aaral. Kumuha din ang mga mananaliksik ng “survey questionnaires”. Ito ay pinasagutan ng mga mananaliksik sa 40 tao na kinabibilangan ng mga regular na estudyante at atletang estudyante ng UST upang makuha ang opinyon ng karamihan ukol sa nasabing pananaliksik na ginawa ng mga tagapagsaliksik.
SAKLAW AT DELIMITASYON
Upang matukoy at magawa ang pag-aaral na ito ay kinakailangan makapanayam o magpasagot ng mga survey questionnaires sa 40 na estudyanteng tomasino: 20 basketbolistang estudyante at 20 na regular na estudyante. 40 ang piniling bilang ng mga mananaliksik dahil para sa kanila ay sapat na yun upang makakuha ng impormasyon/datos na magbibigay linaw sa kanilang panukalang pahayag. Ang mga magsasagot ay mga kakilala din ng mga mananaliksik dahil masyadong personal ang mga katanungan.
Sa tulong ng mga gagamiting libro at iba't ibang pahayagan na may kinalaman sa paksa, mga estudyanteng regular at basketbolista ay magagawa ang pag-aaral.
DALOY NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa pagbubudget ng regular na estudyante at estudyanteng atleta na tomasino. Pag-aaralan din kung paano nila hinahati ang kanilang gastusin sa loob ng isang lingo at kung ano ang mga bagay na kanilang pinagkakagastusan. Mahalaga ang papel ng pagbabudget sa takbo ng panahon ngayon lalo na sa hirap ng buhay at bagsak na ekonomiya ng bansa.
Sa ikalawang kabanata, nakapaloob ang pagsusuri na kung saan, tatalakayin ang kalakasan at kahinaan ng paraan ng paghawak ng pera ng regular na estudyante at estudyanteng atleta na tomasino.Maipapakita at maipapaliwanag sa paglalahad ng datos ang mga resulta ng surbey at impormasyon na nakalap mula sa regular na estudyanteng at estudyanteng atletang tomasino.Dito mas mapapaliwanag at maipapakita ang bawat kabanata sa pananaliksik gayun din ang bawat bilang ng pagsusuring nilagap.
KATAWAN
I.PAGSUSURI
A. Kahinaan at Kalakasan
Ang kalakasan ng pananaliksik na ito ay mabibigyan ng impormasyon ang mga magulang at estudyante kung paano humawak o magbudget ng pera ng tama. Marami ang mabuti at masamang epekto ang naidudulot ng hindi tamang paghawak ng pera. Malaki ang tulong nito sa mga magulang upang malaman nila kung magkano ang pera na ibibigay nila sa kanilang mga anak. Ngunit sa kabilang banda hindi naman lahat ng estudyante ay atleta at hindi pantay-pantay ang estado ng pamumuhay ng bawat tao.
B. Paglalahad ng Datos
1) Surbey mula sa mga Basketbolistang Estudyanteng Tomasino
Unang tanong: Magkano ang baon o budget mo sa isang linggo?
Analisa: Karamihan sa mga basketbolistang estudyanteng tomasino ay lagpas isang libong piso ang kanilang budget kada linggo.
Ikalawang tanong: Anu-ano ang iyong mga pinagkakagastusan?
Analisa: Karamihan sa kanila, ang malaking pinagkakagastusan ay para sa pagkain. Sumunod ay ang panglaro ng computer, pang-inom, pang-date, pamasahe, pang-load at pang-gimik.
Ikatlong tanong: Magkano ang napupuntang pera sa bawat item na nabanggit mo sa (2) (may kinalaman sa pangalawang tanong)?
Analisa: Karamihan sa kanila ay umaabot ng apat na daang piso pataas pagdating sa pagkaen samantalang tatlong daang piso pataas naman pagdating sa paglalaro ng computer at ang ilang matitira ay para sa load at pamasahe.
Ikaapat na tanong: Magkano ang natitira sa iyong pera sa loob ng isang linggo?
Analisa: Karamihan sa kanila ay may natitira pang pera na umaabot mula sa isang daang piso hanggang limang daang piso.
Ikalimang tanong: Conscious ka ba sa pagba-budget ng pera? Bakit?
Analisa: Marami sa kanila ang sumagot ng "OO" dahil para sa kanila ay "in case of emergency". Subalit may iilan pa din na sumagot ng "HINDI" sa kadahilanan na bibigyan naman din sila kapag naubos na ang kanilang baon.
Ikaanim na tanong: Ano ang ginagawa mo sa natitira mong pera?
Analisa: Karamihan sa kanila ay tinatabi lang ang natitirang pera para sa iba pang pagkakagastusan at para sa sariling interes.
Ikapitong tanong: May savings ka ba? Kung meron, saan ito galing at magkano?
Analisa: Karamihan sa kanila ay may savings na umaabot mula tatlong daang piso hanggang limang daang piso at nanggagaling ito sa kanilang mga magulang. Ang iba naman ay walang naiipon sa kadahilanan na patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
2) Surbey mula sa mga Regular na Estudyanteng Tomasino
Unang tanong: Magkano ang baon o budget mo sa isang linggo?
Analisa: Mas marami sa regular na estudyante na lumalagpas sa isang libong piso ang baon sa isang linggo.
Ikalawang tanong: Anu-ano ang iyong mga pinagkakagastusan?
Analisa: Karamihan o kung hindi man lahat ay ginagamit ang pera sa pagkain at pamasahe.
Ikatlong tanong: Magkano ang napupuntang pera sa bawat item na nabanggit mo sa (2) (may kinalaman sa pangalawang tanong)?
Analisa: Mas malaking bahagi ng baon ng regular na estudyante ay napupunta sa pagkain.
Ikaapat na tanong:Magkano ang natitira sa iyong pera sa loob ng isang linggo?
Analisa: Karamihan ng mga regular na estudyante aymay ipon na hindi umaabot ng 500.
Ikalimang tanong: Conscious ka ba sa pagba-budget ng pera? Bakit?
Analisa: Halos lahat ay conscious sa pagtitipid ng pera dahil sa hirap ng buhay at para sila’y makapagtipid para sa summer. May mga dalawa o tatlo na hindi napapansin na ubos na ang kanilang pera.
Ikaanim na tanong: Ano ang ginagawa mo sa natitira mong pera?
Analisa: Marami sa mga regular na estudyante ay ginagamit ang pera na naiipon para sa pang gastos pero halos lahat ay iniipon ito gawa ng kahirapan sa buhay.
Ikapitong tanong: May savings ka ba? Kung mayroon, saan ito galing at magkano?
Analisa: Lahat ng mga regular na estudyante ay may savings at ito ay nanggagaling sa magulang o sa sariling ipon.
II.Pangwakas
A. Konklusyon
Ang konklusyon na makukuha mula sa pananaliksik na ito ay tila ang mga regular na estudyanteng tomasino ay mas magaling humawak ng pera kaysa sa mga basketbolistang estudyanteng tomasino. Makikita ito sa mga konklusyon sa pagsusuri na ang mga regular na estudyanteng tomasino ay mas marami ang natitipid kaysa sa mga basketbolistang estudyanteng tomasino.
Sa panahon ngayon, mahirap nang kitain ang pera kaya tayo’y kinakailangang magtipid. Unti-unting lumiliit ang halaga ng piso kaya nama’y nahihirapan din ang mga magulang na may pinag-aaral na anak na magbigay ng malaki o sapat na baon para sa kanilang mga anak. Ang mga basketbolistang estudyanteng tomasino ay binibigyan ng eskuwelahan ng kani-kanilang scholarship na makakatulong sa mga magulang nila na makabawas sa gastusin. Subalit, mayroon pa ding mga basketbolistang estudyanteng tomasino na hindi marunong humawak o mag-budget ng kanilang pera. Makikita ito sa kanilang lingguhang baon. Karamihan sa kanila ay halos walang natitira o naitatabing pera kumpara sa mga regular na estudyanteng tomasino na kahit papano’y may naitatabi. Ang baon ng mga basketbolistang estudyanteng tomasino ay mas malaki kaysa sa mga regular na estudyanteng tomasino. Gayon pa man, mas malaki ang naiipon ng mga regular na estudyanteng tomasino kaysa sa mga basketbolistang estudyanteng tomasino.
Ayon kay Shurr, Ashley, ang mga atleta ay mas responsable, malinaw ang pag-iisip at mas panatag ang kalooban. Ito ay tama nguni’t hindi ito makikita sa mga basketbolistang estudyanteng tomasino pagdating sa paghawak ng pera. Ang mga basketbolistang estudyanteng tomasino ay mas kampante dahil alam nila na nakakatulong sila sa gastusin bilang atleta ng Unibersidad ng Santo Tomas kaya nama’y hindi nila namamalayan ang hirap at pagiging gipit ng mga magulang sa pagbigay ng baon sa kanila. Dahil doon, hindi sila maalaga sa pera hindi katulad ng mga regular na estudyanteng tomasino na nararamdaman ang hirap sa pera kaya sila’y kusang loob na nagtitipid at nag-iipon para makatulong sa kanilang magulang at magkaroon din ng savings para sa kanilang kinabukasan pati na din ang magkaroon ng pera para magamit sa pansarili nilang gastusin.
B. Rekomendasyon
Ayon sa mga resulta ng pananaliksik, inirerekomenda ng mga mananaliksik na:
Dapat lahat ay matutong magtipid dahil sa panahon ngayon, mahirap ang pera at lalong lumiliit ang halaga nito. Mayaman man o mahirap, ang pagtitipid at pag-iipon ng pera ay isang magandang paraan upang magamit ang pera sa kapakipakinabang na paraan. Nais din irekomenda ng mga mananaliksik na gumawa ng account sa banko ang mga estudyante, atleta man o regular, para mailagay ang kanilang ipon na pera sa maayos na lugar.
C. Pasasalamat
Kaming mga mananaliksik ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa amin at nagbigay lakas upang matapos ang pananaliksik na ito.
Una sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Panginoon na patuloy kaming binibiyayaan ng lakas at talino upang mag-aral at tuluyang matapos ang papel na ito.
Sa Miguel de Benavides Library na nagpahiram ng kanilang mga aklat na nakatulong at nakapagpadali sa aming pananaliksik at pati na din ang pagitiis sa kaingayan na aming naidulot noong kasalukuyang kami’y gumagawa doon.
Sa aming mga kaklase at kaibigan na nagbigay ng oras para sagutin ang aming mga personal na katanungan.
Sa mga basketbolista ng UST na kahit sa kanilang kakulangan sa oras ay nabigyan nila kami ng panahon upang makapagtanong ng mga bagay na makakatulong sa aming pananaliksik.
Sa aming minamahal na guro sa Filipino, na patuloy kaming ginagabayan sa aming pang araw-araw na gawain at walang sawang pagsuporta sa kanyang mga estudyante.
Pinakahuli sa lahat, kami’y labis na nagpapasalamat sa aming mga magulang na patuloy kaming sinusuportahan at pinag-aaral sa magandang Unibersidad at walang sawang pagmamahal sa amin.